Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2019

Buhay Konstruksyon

Ito ang mundong ginagalawan ko. Matagal-tagal na rin. Pitong taon at patuloy sa puntong ito. Mejo nangingibabaw sa media ang industriya nitong mga huling araw. Maiging samantalahin habang nasa kamalayan pa ng karamihan. Dito nagkaron ng direksyon ang buhay ko. Dito ko naging "gineer". Labingdalawang taon mula ng makatapos. Malayo man ang aking spesyalisasyon, napamahal na rin sa akin ang industriyang bumago sa aking buhay.  Melodramatic, oo. Malayo at lihis sa stereotype na mga construction worker - matikas, matibay, malakas.  Ang naiisip ko pa lamang na layunin kung bakit sinimulan ko ang blog na ito ay upang maka-blog muli, gamitin ang sariling wikang sa pagsulat at maibahagi ang mundo ng bakal, semento, buhangin, grava atbp.  Maligayang pagbubukas ng Konstruksyon ATBP Blog!